Elderly Filipino week, ginugunita ngayong unang linggo ng Oktubre
Mula Oktubre 1 – 7 ay ginugunita ng bansa ang Elderly Filipino week.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 470 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong September 26, 1994.
Taun-taon, ang aktibidad kaugnay ng selebrasyon ay pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), partner agencies at Senior citizens association.
Sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay “Healthy and Productive Aging starts with Me” na gagamitin hanggang sa taong 2021.
Nilalayon ng selebrasyon na alalahanin ang mahalagang “role” na ginagampanan ng mga elder person sa pagpapaunlad ng bansa at tugunan ang mga issues na may kaugnayan sa kanila na ang isa rito ay ang aspetong pangkalusugan.
Samantala, sa pag-aaral ng mga Geriatrician o ang mga duktor sa matatanda, may ilang aktibidad para sa mga nakatatanda ng bansa.
Kabilang dito ang gardening o paghahalaman para sa pag unlad ng kanilang mobility, games at puzzles para sa kanilang mental activity at pakikisalamuha sa mga katulad nilang nakatatanda para naman sa kanilang social life.
Samantala, sa panig naman ng isang gerontologist, kailangang magabayan ang social, cultural, psychological, cognitive, and biological aspects ng isang nagkaka-edad na.
Ulat ni Belle Surara