Electric consumers pinaghahanda na ng ERC sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente ngayong Summer season
Bagamat ayaw sana ng Energy Regulatory Commission o ERC na pagbigyan ang petisyon ng Electric Cooperatives na magtaas ng singil sa kuryente ngayong summer season wala umanong magagawa ang komisyon kundi talakayin ito .
Sinabi ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na mayroon ng mga pending petition ang ibat-ibang electric cooperatives para magtaas ng singil sa kanilang mga consumer.
Ayon kay Dimalanta tradisyunal na tumataas ang singil sa kuryente tuwing tag-init dahil tumataas lalo ang demand at nagiging manipis naman ang supply.
Inihayag ni Dimalanta na isa sa dahilan ng pagnipis ng supply ng kuryente ay bumababa ang lebel ng tubig sa mga hydro electric power plant.
Niliwanag ni Dimalanta sa sandaling humina ang supply ng kuryente sa mga hydro power plant aasa ang mga electric cooperatives sa kuryente na mula sa mga coal at gas power plant na mataas ang operational cost dahil mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.
Iginiit ni Dimalanta ang tanging makakatulong sa supply demand ng kuryente tuwing summer season ay pagtitipid sa paggamit ng elektrisidad.
Tiniyak ni Dimalanta na pinaghahandaan na ng Department of Energy ang pagnipis ng supply ng enerhiya na nakukuha sa Malampaya Natural Gas sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang renewable energy supply tulad ng solar at wind power.
Vic Somintac