Electrical grid ng Cuba, muling nag-collapse
Muling nag-collapse nitong Linggo ang electrical grid ng Cuba, ang pang-apat na sa loob ng 48-oras, at tila madaragdagan pa ang paghihirap ng isla dahil sa pag-landfall ng isang hurricane na may dalang banta ng higit pang pinsala sa sira-sira na nitong imprastraktura.
Nauna nang sinabi ng Cuba noong Linggo na nagpapatuloy ito sa pagpapanumbalik ng serbisyo, pagkatapos ng maraming maling pagtatangka, sa kabila ng milyun-milyong katao ang nananatiling walang kuryente mahigit dalawang araw pagkatapos ng unang pagbagsak ng grid.
Sa kanilang post sa X, sinabi ng energy and mines ministry ng Cuba, “Restoration work began immediately.”
Havana, October 19, 2024. REUTERS/Norlys Perez
Nag-landfall ang Hurricane Oscar sa isla ng Caribbean nitong Linggo, na may dalang malakas na hangin, malakas na storm surge at ulan sa ilang bahagi ng silangang Cuba, at may dalang banta na lalong pahihirapin ang pagsisikap ng gobyerno na muling maibalik ang serbisyo ng kuryente.
Nagbabala ang meteorological survey ng Cuba nang pagkakaroon ng “mapanganib na sitwasyon” sa eastern Cuba, habang iniulat naman ng U.S. National Hurricane Center na ang hanging dala ng bagyo ay 75 miles per hour (120 kph) habang papasok sa isla.
Ayon sa Hurricane Center, “On the forecast track, the center of Oscar is expected to continue moving across eastern Cuba tonight and Monday, then emerge off the northern coast of Cuba late Monday and cross the central Bahamas on Tuesday.”
Men stand and sit near pictures of late Cuban President Fidel Castro, as Cuba’s government said on Saturday it had made some progress in gradually re-establishing electrical service across the island, in Havana, Cuba, October 19. REUTERS/Norlys Perez
Sinabi ng mga opisyal na kinansela na ng gobyerno ang pasok sa mga paaralan hanggang sa Miyerkoles, dahil sa hurricane at ongoing energy crisis. Tanging essential workers lamang ang pinagre-report sa trabaho ngayong Lunes.
Ang paulit-ulit na grid collapses ay isang malaking dagok sa pagsisikap ng pamahalaan na agad na maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga residenteng dumaranas din ng labis na kakulangan sa pagkain, medisina at fuel.
Ang ‘multiple setbacks’ sa unang 48-oras ay nagbibigay-diin din sa pagiging kumplikado ng trabaho at ang hindi pa rin matiyak na kalagayan ng grid ng bansa.
Bago ang panibagong collapse nitong Linggo, naibalik na ng Cuba ang kuryente sa 160,000 nilang mga kliyente sa Havana, na nagbigay ng kaunting pag-asa sa ilang mga residente.
A man walks with children near a street lamp as Cuba’s government said on Saturday it had made some progress in gradually re-establishing electrical service across the island, in Havana, Cuba October 19, 2024. REUTERS/Norlys Perez
Sinabi ni Energy and mines minister Vicente de la O Levy, “I expected the grid to be fully functional by Monday or Tuesday, residents should not expect dramatic improvements.”
Hindi pa agad malinaw kung gaano maaantala ng pinakahuling setback ang pagsisikap ng gobyerno.
Unang nadiskaril ang national electrical grid ng Cuba bandang tanghali noong Biyernes, matapos magshutdown ang pinakamalaking power plant ng isla. Muling nagcollapse ang grid noong Sabado ng umaga.
Sa mga unang oras noong Sabado ng gabi, iniulat ng mga awtoridad na nagkaroon ng kaunting progreso sa pagpapabalik ng kuryente bago inanunsiyo ang isa pang partial grid collapse.
Samantala, nagkaroon ng dalawang maliliit na protesta noong magdamag ng Sabado, dahil sa nagdilim ang Havana dulot ng grid failure, isa sa Marianao na nasa labas lamang ng kapitolyo at isa sa Cuatro Caminos.
People stand on a blocked street during a protest against a blackout, as Cuba’s government said on Saturday it had made some progress in gradually reestablishing electrical service across the island, in Havana, Cuba October 19, 2024. REUTERS/Norlys Perez
Sinabi ni Energy Minister O Levy, “The blackouts were bothersome to residents, but most Cubans understood and supported government efforts to restore power. It is Cuban culture to cooperate. Those isolated and minimal incidents that do exist, we catalog them as incorrect, as indecent.”
Ayon naman sa data mula sa internet monitoring group na NetBlocks, malaki ang ibinagsak ng internet traffic sa Cuba, dahil imposibleng makapag-charge ng kanilang mobile phones ang mga residente para makapag-online.
Ayon sa NetBlocks, “Network data show that Cuba remains largely offline as the island experiences a second nationwide power outage.”
Ang lumalalang blackouts na tumatagal ng 10 hanggang 20 oras bawat araw sa maraming bahagi ng isla, ay isinisisi ng gobyerno sa fuel shortages at tumataas na demand, gayundin sa pagkasira ng mga imprastraktura.
People stand on a blocked street during a protest against a blackout, as Cuba’s government said on Saturday that it had made some progress in gradually reestablishing electrical service across the island, in Havana, Cuba October 19, 2024. REUTERS/Norlys Perez
Sinisisi rin ng Cuba ang U.S. trade embargo, at ang sanctions na ipinataw ng noo’y pangulo ng US na si Donald Trump, kaya sila nahihirapang bumili ng fuel at spare parts upang mapagana at mamintina ang kanilang oil-fired plants.
Itinanggi naman ng U.S. ang anomang papel sa grid failures ng Cuba.
Ang Cuba ay dumidepende sa imports para sa malalaki at luma na nilang oil-fired power plants. Ang idinideliver na fuel sa isla ay lubhang lumiit ngayong taon matapos bawasan ng Venezuela, Russia at Mexico ang kanilang exports sa Cuba.
Ang Mexico, na malimit ding nagsu-supply ay lumilitaw na nagbawas na rin ng fuel flows sa Cuba sa panahon ng isang presidential election year.
Walang sinabi ang kamakailan ay nahalal na si Pangulong Claudia Sheinbaum, kung ang state-supported supply sa Cuba ay magpapatuloy sa ilalim ng kaparehong termino sa ilalim ng kaniyang administrasyon.