Electrical grid ng Cuba online nang muli ngunit marami pa rin ang walang suplay ng kuryente
Sinabi ng Cuba na mayroon na ulit koneksiyon ang kanilang national electrical grid, bagama’t lubhang mababa pa rin ang generation kumpara sa demand, isang araw makaraang hindi gumana ang planta sanhi upang mawalan ng suplay ng kuryente ang milyong katao sa buong isla.
Ayon sa National Electric Union (UNE), pinalakas nila ang kanilang generation sa 1,450 megawatts (MW), pero mas mababa pa rin ng halos kalahati sa tipikal na peak demand na 3,200 MW.
Ani Lazaro Guerra, nangangasiwa sa sektor para sa energy ministry ng Cuba, “The (grid) is operating normally now, but because of a generation deficit we don’t have sufficient capacity to cover demand.”
Gayunman, tila balik na sa normal ang Havana, kapitolyo ng Cuba nitong Huwebes. Balik na ang suplay ng kuryente sa lahat ng circuits ng siyudad ayon sa local electric company, at online na rin ang lahat ng mga ospital.
Humigit-kumulang kalahati ng power generation facilitiesd ng Cuba ay offline para sa maintenance o kaya ay nasira. Lahat ay ilang dekada na ang tanda at mas mababa sa kapasidad ang napo-produce na kuryente.
Bilang resulta, marami sa mga residente ng Cuba ang dumaranas ng ilang oras na rolling blackouts bawat araw, kahit pa gumagana naman ang grid.
Ang electrical grid ng Cuba ay maraming taon nang nasa bingit ng pagbagsak, dahil ang kakulangan sa fuel, mga serye ng natural na mga sakuna at isang krisis sa ekonomiya ay naging sanhi upang hindi na makuha pa ng gobyerno na imantini ang mahinang imprastraktura nito.
Ang nabawasang importasyon ng langis mula sa Venezuela, Russia at Mexico ay nagresulta “full crisis” ng sistema ngayong taon, na nagdulot ng ilang nationwide blackouts na humantong sa mga kaguluhan at pagkagalit ng publiko.
Ang mga blackout, kasama ang kakulangan ng pagkain, medisina at tubig, ang lubhang nagpahirap sa pamumuhay sa isla nagresulta sa “record-breaking exodus” ng mga residente nito mula pa noong 2020.
Isinisisi ng communist-run government ng Cuba ang krisis sa dekada nang tanda na U.S. trade embargo, na pumigil sa ilang financial transactions at nagpahirap sa pagbili ng fuel at spare parts.