Electronic filing ng mga kasong sibil, sisimulang ipatupad sa mga korte sa bansa sa Setyembre
Inilabas na ng Korte Suprema ang kumpletong panuntunan para sa implementasyon ng electronic filing o e- filing ng mga kasong sibil sa bansa.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty.Camille Ting, simula sa Setyembre 1 lahat ng isasampang kasong sibil sa mga trial court ay kinakailangang may kasamang electronic copies at kung wala ay hindi ito aaksyunan.
Target ng Korte Suprema na pagdating ng Disyembre ngayong taon ay maipatupad ang full e- filing sa mga hukuman.
Sinabi ni Atty. Ting, “By Decemer 1, 2024 within certified judicial regions, all filing of service and pleadings and other court admissions shall be done by email, except for initiatory pleadings. For initiatory pleading this continue to be done thru personal service, registered mail or accredited courier but must be accompanied by electronic transmittal or pdf copy.”
Makikita sa website ng SC ang guidelines para sa e- filing ng civil cases.
Sinabi ni Ting na isa sa mga layunin ng pag-digitalize ng filing sa mga korte, ay mas mapabilis ang pag-aksyon dito ng hudikatura at mabawasan ang paggamit at pagtambak ng mga papel sa mga hukuman na fire hazard.
Aniya, “We’re talking about electronic rolios which can be access by court personnel and judges anytime. We believe that this will speed up decision making process.”
Batay sa guidelines, sa pamamagitan na rin ng email ipadadala ng mga korte ang outbound court documents simula sa Setyembre.
Tiniyak ng SC na may nakalatag itong seguridad at anti-hacking application para maproteksyunan ang computer systems nito.
Ayon kay Ting, “Supreme court has a very robust anti hacking application. Security is very strong because until now, I’d like to say and very proud that the supreme court has not been hacked.”
Moira Encina-Cruz