Electronic Library, Siksik, Liglig sa impormasyon, Kailangan Ngayon
Mas lalong kailangan ngayon ng publiko ang kapaki pakinabang na impormasyon na hindi na kailangan pang lumabas ng tahanan.
Ganito ang Electronic Library o E-Library na itinatag ng Department of Science and Technology -Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources, Research and Development o DOST-PCAARRD.
Ayon kay Director Marita Carlos ng Applied Communication Division ng PCAARRD, layunin nito na ipamahagi ang mga uri ng teknolohiya at kaalaman na may kaugnayan sa sektor tulad ng agrikultura, akwatika at likas yaman.
Aniya, ang mga resources ay maaaring i-access kahit anong araw at oras, kahit saan, at kahit kailan basta may internet, kaya malaki ang maitutulong nito lalo na sa panig ng mga mag aaral at maging ng mga uhaw sa impormasyon.
Sinabi ni Director Carlos na sa kasalukuyan, ang kanilang E-Library ay naglalaman ng mahigit na anim na libong mga publications.
Ito ay binubo ng mga uri ng aklat, technical reports, journals serials, vertical files, theses/ dissertations.
Ayon pa kay Carlos, nakapaloob din sa E-Library ang opisyal na corporate publications tulad ng PCAARRD Farm News, PCAARRD Monitor at Annual Reports.
Binaggit pa ni Carlos na katuwang ng PCAARRD ang Science and Technology Information Institute o STII NG dost upang ang E-Library ay maisakatuparan.
Sa pamamagitan ng pagdeploy ng Science Library and Integrated Management o SLIM, mas epektibo at mabilis na napagsasama-sama, na oorganisa at naibabahagi ang mahahalagang mga impormasyon mula sa ibat ibang uri ng programa at inisyatibo ng DOST-PCAARRD.
Binanggit din ni Director Carlos na isa pang proyekto sa taong ito ang kanilang ilulunsad, ito aniya ay ang mas pinagandang Science Library Information Management System ng kasalukuyang E-Library, na tatawaging Network of E-Libraries.
Sa proyektong ito, sinabi ni Director Carlos na katuwang pa rin nila ang DPST-STII upang ang naturang network of Libraries ay maisagawa din ng mga consortium base-agencies sa may labing limang rehiyon sa bansa.
Aniya, sa pamamagitan ng ilulunsad na network of libraries, ang mga E-Libraries ay gagamit ng isang common system kayat mapapadali na ang pagre research ng ibat ibang kaalaman o knowledge resources across the country.
O, di ba? Mapapasabi ka na lang ng WOW!!!
Wait, theres more, sinabi pa ni Director Carlos na ang nabanggit na E-Library ng DOST-PCAARRD ay makukuha o mada download ng libre sa kanilang E-Library Website na https://elibrary.pcaarrd.dost.gov.ph/