Eleksyon ng IBP Central Luzon, ipinatigil ng SC
Ipinatigil ng Korte Suprema ang eleksyon ng mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Central Luzon .
Ayon sa Supreme Court Public Information Office (SC PIO), ang desisyon ay kasunod ng sinasabing illegal campaign and activities na umano’y ginawa ni Atty. Nilo Divina.
Kasabay nito, inatasan din ng SC ang IBP Board of Governors na personal na maghain ng komento sa loob ng 10-araw mula sa araw na matanggap ang notice.
Sa isang pahayag, itinanggi naman ni Divina na sangkot siya sa iligal na kampanya. Handa rin aniya siya na magsumite ng komento sa Korte Suprema.
Moira Encina
Please follow and like us: