Eleksyon sa Pilipinas, nasunod ang int’l standards– US State Department
Nakabantay din ang US government sa resulta ng May 9 Elections sa bansa.
Kumbinsido ang US State Department na ang proseso ng naganap na halalan sa Pilipinas ay nakatugon sa mga pandaigdig na pamantayan.
Ayon kay US State Department Spokesperson Ned Price, walang “significant incident” sa ginawang botohan at bilangan ng mga boto sa Pilipinas.
Tiniyak ni Price na handa ang Estados Unidos na makatrabaho ang susunod na administrasyon sa mga pangunahing human rights at regional priorities.
Umaasa din ang US na ma-renew ang special partnership nito sa Pilipinas na pinatatag ng mahabang kasaysayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Nang tanungin naman ang opisyal kung may concerns ang US sa Marcos presidency, muling inihayag ni Price na “looking forward” ang Amerika sa pakikipagtulungan sa president-elect.
Moira Encina