Email add at hotline numbers na tatanggap ng sexual abuse reports sa mga paaralan, inilunsad ng DepEd
Naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng email address at hotline numbers na tatanggap ng mga reklamo ng sexual abuse at violence sa mga mag-aaral.
Bahagi ito ng aksyon ng DepEd para mapalakas ang mga hakbang sa child protection sa mga eskuwelahan.
Sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na naiintindihan ng DepEd ang kahihiyan na nararamdaman ng mga victim-survivor at ang pagiging sensitibo ng isyu kapag ang mga ito ay humaharap sa mga opisyal ng paaralan para magsumbong.
Ang mga reklamo ng pag-abuso ay maaaring i-email sa [email protected].
Naglaan din ng tatlong hotline numbers ang DepEd para tumanggap ng mga nasabing ulat:
8633-1942
8635-9817
09959218461
Hinikayat ng DepEd ang mga estudyanteng victims-survivors na iulat sa mga nasabing email o hotlines na nakadirekta sa Office of the Secretary ang mga insidente ng pag-abuso na naranasan nila.
Tiniyak ng opisyal ang confidentiality ng mga personal na impormasyon at mga ulat ng mga complainant.
Iginiit pa ni Poa na seryoso at may zero-tolerance ang DepEd laban sa mga seksuwal na pag-abuso sa mga paaralan.
Moira Encina