Embahador ng Pilipinas sa Japan inaprubahan na ng CA
Inaprubahan na ng Commission on Appointments ang Ad Interim Appointment ni dating Davao city Congressman Mylene Garcia Albano bilang embahador ng Pilipinas sa Japan.
Si Albano ay isang abugado at ang kauna-unahang babaeng embahador ng Pilipinas sa Japan pero bago aprubahan ang kaniyang kumpirmasyon, sinagot nito ang mga tanong ng mga mambabatas kung paano poprotektahan ang interes ng mga Pilipino.
Ayon kay Albano, magtatrabaho siya para matiyak na naibibigay ang karapatan ng mga pinoy lalo na sa pagkain, kalusugan at edukasyon.
Sa kasalukuyan aniya ay may 300,000 mga Pilipino ang nasa Japan.
Bukod kay Garcia, inaprubahan rin ng CA ang Ad Interim Appointment nina Foreign Affairs Officers Voltaire dela Cruz Mauricio bilang Chief of Mission at Val Simon Taganas bilang Career Minister.
Lumusot rin sa CA promotion ang may limampung Generals at Senior Officers ng Armed Forces of the Philippines.
Meanne Corvera