Embalsamadong galunggong mula China, hindi papasukin ng Malakanyang sa bansa
Tiniyak ng Malacañang na hindi papayagang makapasok sa bansa ang mga inaangkat na galunggong na may formalin.
Ginawa ng Malacañang ang pahayag kasunod ng alegasyon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya na ang mga galunggong galing China ay ginamitan ng formalin bilang preservative.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hihigpitan ng gobyerno ang pagpasok at inspeksyon ng mga galunggong sa mga port areas para hindi makapasok sa bansa.
Ayon kay Secretary Roque, pangungunahan ito ng Department of Health at Department of Agriculture kasama ang iba pang mga eksperto ang pagsasagawa ng inspeksyon.
Una ng nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga consumers na iwasan ang pagkain ng galunggong na may formalin dahil mapanganib ito sa kalusugan.
Ulat ni Vic Somintac