“Emergency to-go bags” dapat laging nakahanda ayon sa DOH
Sa ibat’ibang kalamidad at hindi inaasahang pangyayari na nararanasan ng tao sa kahit na saang lugar at pagkakataon, dapat magkaroon ang bawat tahanan ng tinatawag na “Emergency to-go bags”.
Matagal na itong ipinaalala ng kagawaran ng kalusugan sa publiko upang sa gayon ay laging maging handa ang bawat tahanan lalong lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ayon sa DOH, ang Emergency to-go bags ay tumutukoy sa emergency bag na maaaring dalhin ng isang tao kahit saan.
Isang survival kit na makatutulong sa panahon ng emergency.
Sa lahat ng panahon at pagkakataon, dapat na nakahanda ang Emergency to go bags.
bukod sa gamot, tulad ng paracetamol, antihistamine at iba pang pangkaraniwang iniinom na gamot, dapat din na nakalagay sa Emergency to go bag ang tubig, ready-to-eat food, flashlights, whistle o pito at maging hygiene products.
Ulat ni: Anabelle Surara