Emergency Hiring ng DOH kasunod ng covid-19 pandemic, tuloy tuloy parin
Tuloy tuloy parin ang emergency hiring ng Department of Health sa gitna ng nagpapatuloy paring banta ng covid 19 pandemic.
Layon nitong mapunuan ang kinakailangang healthcare workers kapwa sa private at public sector upang mapalakas ang laban ng bansa sa pandemya.
Ayon sa DOH sa 10,693 openings para sa mga doctor, nurse at iba pang healthcare workers sa ilalim ng emergency hiring program ay umabot na sa 8,056 ang na-hire.
Nasa 75.34% ito ng target na ma-hire ng DOH para masiguro ang sapat na bilang ng healthcare workers sa mga pagamutan at iba pang treatment facilities.
Ang 43% sa mga ito ay nadeploy sa mga DOH hospital, 17% ay sa mga covid 19 laboratories, 15% sa isolation at temporary treatment facilities, 12% sa mga LGU at iba pang ospital at 7% sa covid referral hospitals.
Ang emergency hiring program ng DOH ay nagsimula noong Abril sa kasagsagan ng pagtaas ng covid cases sa bansa.
Madz Moratillo