Emergency manager ng Maui, nagbitiw dahil sa mga kritisismo kaugnay ng nangyaring wildfire
Matapos mabatikos dahil sa hindi tumunog na mga sirena habang nananalasa ang wildfire sa batay ng Lahaina sa Hawaii, ay nagbitiw na sa puwesto ang pinuno ng emergency management agency ng Maui.
Ayon sa isang Maui County press release, “Today Mayor Richard Bissen accepted the resignation of Maui Emergency Management Agency (MEMA) Administrator Herman Andaya. Citing health reasons, Andaya submitted his resignation effective immediately.”
Sinabi ni Andaya sa isang news conference, na hindi niya pinagsisihan ang desisyon na hindi paganahin ang isang island-wide network ng 121-decibel sirens nang sumiklab at manalasa ang mapaminsalang wildfire sa bayan ng Lahaina at sa higit 12,000 residente nito.
Ang naturang desisyon, kasama ang iba pang nakikitang maling hakbang bago, habang at pagkatapos ng sakuna, na ikinamatay ng hindi bababa sa 111 katao, ay nagdulot ng galit sa mga nakaligtas, na nagsasabing mas maraming buhay sana ang maaaring naisalba.
Hindi bababa sa 110 katao ang namatay matapos tupukin at patagin ng wildfire ang Lahaina noong nakaraang linggo sa isla ng Maui, kung saan hindi alam ng ilang residente na nasa panganib ang kanilang bayan hanggang sa sila mismo ang nakakita sa sunog.
Sinabi ni Bissen, “Given the gravity of the crisis we are facing, my team and I will be placing someone in this key position as quickly as possible and I look forward to making that announcement soon.”