Emergency Relief Supplies ng DSWD, handa nang ipamahagi sa mga maapektuhan ng bagyong bising
Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang kanilang emergency relief supplies na magagamit na karagdagang resources ng mga local government units o LGUs para sa mga naapektuhan ng bagyong bising.
Nasa 1.5 Billion pesos ang inilalaan ng DSWD na dito ang 517 pesos ay nasa central office na ng ahensya.
Mayroon na ring nakahandang 355, 672 na family food packs na naka prepositions na sa mga strategic locations sa buong bansa na ready nang ideliver sa LGUs.
Ayon sa DSWD, titiyakin nila na magiging efficient at well coordinated ang gagawing delivery ng mga naturang ayuda para sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Hinimok din ng ahensya ang publiko na manatiling vigilant at maging alerto sa warnings ng kanilang local leaders upang maiwasan ang anumang untoward incidents na maaaring idulot ng masamang panahon.
Belle Surara