Employment assistance para sa mga biktima ng lindol tiniyak ng pamahalaan
Tiniyak ng pamahalaan na mabibigyan ng Employment assistance ang nasa 4,625 na displaced workers na apektado ng nagdaang lindol sa Northern Luzon.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Regional director Nathaniel Lacambra, kayang matulungan ng kanilang ahensya ang nasabing bilang sa pamamagitan ng tupad program.
Kabilang aniya sa mga manggagawa na naapektuhan ng lindol ay mula sa formal sector habang ang iba pa ay mula naman sa informal sector, tulad ng mga mangingisda at magsasaka na hindi pa rin makapagtrabaho dahil sa iniwang pinsala sa abra at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, siniguro naman ng DOLE, na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga naapektuhan ng lindol kung saan, patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng relief goods sa mga nabanggit na lugar.