Employment rate sa Pilipinas nitong Agosto, umabot sa 91.9 percent
Inihayag ng Phil. Statistics Authority (PSA), na 91.9% ang employment rate ng bansa nitong Agosto.
Batay sa 2021 Labor Force Survey ng PSA, ang 91.9% ay katumbas ng 44.23 milyong katao na employed mula sa 48.12 million individuals na bumubuo sa labor force.
Ayon sa PSA, mas mataas ito kumpara sa employment rate noong April 2021 na 91.3%, noong ang National Capital Region Plus Bubble ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
Samantala, ang unemployment rate naman ng bansa noong Agosto ay 8.1% o tumaas ng 12 percentage points mula sa 6.9 percent na naiulat isang buwan na ang nakalilipas.
Ang nabanggit na unemployment rate ay mas mababa kaysa napaulat noong Enero, Pebrero at Abril ngayong taon ngunit mas mataas kaysa rates na naiulat noong Marso 2021 (7.1%), May at June 2021 (7.7%), at July 2021 (6.9%).
Ang underemployment rate naman ay tinatayang nasa 14.7%, ang ikatlong pinakamababa na naiulat ngayong taon, bukod sa naiulat na 12.3% noong May 2021 at 14.2% noong June 2021.
Dominado pa rin ng services sector ang employment, na may 56% ng kabuuan ng mga may trabaho noong August 2021.
Ang agriculture at industry sectors ay may 25.1% at 18.9%.
Ang 5 nangungunang subsectors na may pinakamalaking increase sa employment mula July-August 2021 ay ang sumusunod:
a. Agriculture and forestry (1.78 million);
b. Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles (992,000);
c. Manufacturing (169,000);
d. Other service activities (148,000); at
e. Fishing and aquaculture (128,000)
Ang limang nangungunang subsectors naman na may pinakamalaking pagbaba mula July-August, ayon sa PSA ay ang mga sumusunod:
a. Education (-238,000);
b. Administrative and support service activities (-183,000);
c. Professional scientific technical activities (-110,000);
d. Construction (-85,000); at
e. Human health and social work activities (-83,000).
Mas mataas ang labor force participation rate ng mga lalaki noong August 2021 na 75.8%, habang ang mga babae naman ay 51.4%.
Mas mataas din ang employment rate ng mga kalalakihan na 92.1%, kumpara sa mga kababaihan na 91.7%.
Maging ang underemployment rate ay mas mataas sa mga kalalakihan (16.5%), kumpara sa mga babae (11.8%).