‘Encanto’ ng Disney wagi bilang Best Animated Film sa Oscars
Muli na namang nakuha ng Disney ang ginto sa Oscars, makaraang magwagi bilang best animated film ang “Encanto,” isang makulay na selebrasyon ng kulrura ng Columbia at ang kahalagahan ng pamilya, sa ginanap na seremonya nitong Linggo.
Dinaig ng “Encanto” ang Afghan refugee documentary na “Flee,” ang Italy-set coming-of-age tale na “Luca,” ng Pixar, ang futuristic family comedy na “The Mitchells vs. the Machines” at ang Disney fantasy adventure na “Raya and the Last Dragon.”
Ayon sa producer na si Yvett Merino . . . “I am so proud to be a part of a film that puts beautiful, diverse characters in front and center, and that people everywhere are seeing themselves in the film.”
Ang pelikula ay tungkol sa istorya ni Mirabel, isang ordinaryong teenager na ipinanganak mula sa kaakit-akit na angkan ng Madrigal, na naninirahan sa isang liblib na paraiso ng mayayabong na hardin at matatayog na bundok. Bawat miyembro ng pamilya ay may special superpower — maliban kay Mirabel.
Tinutulungan ng Madrigals ang mga kasama nila sa village, anoman ang pangangailangan ng mga ito sa pamamagitan ng kanilang special gifts.
Nguni’t ang mahika na binuo ng isang engkantadong kandila, ay bigla na lamang unti-unting naglaho, kaya’t kailangang magkaisa ang panilya para iligtas ang kanilang tahanan at ang komunidad.
Ang “Encanto” ay nominated din para sa best original score at best original song para sa “Dos Oruguitas.”
Isinasalaysay ng malambing na ballad ang kuwento ng pag-ibig ng matriyarka ng pamilya na si Abuela Alma, at kung paano napunta sa kanya ang engkantadong kandila nang ang kanyang asawang si Pedro ay pinatay ng mga mananakop na nagtaboy sa kanila paalis sa kanilang lupain.
Isa pang pangunahing elemento ng istorya ay ang muling paglitaw ng black sheep ng pamilya na si Bruno (ginampanan ni John Leguizamo), na nagtago makaraang makita ang isang “vision” ng hinaharap na kinasasangkutan ni Mirabel.
Ayon sa isa sa co-director ng pelikula na si Jared Bush . . . “We knew he was someone people would gravitate towards. John was so spectacular: funny, lovable and weird — and in not a lot of screen time!”
Isa sa lasting legacies ng pelikula ay ang runaway success ng “We Don’t Talk About Bruno,” isang pinaghalong hip-hop at Cuban rhythms na isinulat ni Lin-Manuel Miranda na ilang linggong nanguna sa Billboard Hot 100 chart.
Wika naman ng co-director na si Charise Castro Smith . . . “Every family has an outcast or someone who feels like an outcast. I think it’s one of the reasons the character has taken off. A lot of people feel like a black sheep.”
Ang istorya sa katapusan ay tungkol sa kung paanong ang bawat miyembro ng pamilya ay makapag-aambag, mayroon man o walang “special gifts.”
Ang “Encanto” ay isang tagumpay ng representasyon sa malaking screen — Kilala ang Disney para sa mga perpektong prinsesa nito na may mahabang buhok at ball gown, ngunit si Mirabel ay may kulot na buhok, nakasuot ng salamin at tradisyonal na damit, at walang superpower.
Ang cast ay halos binubuo ng Hispanic actors at nagsimula sa isang linya sa Espanyol: “Abre los ojos,” o “Buksan ang iyong mga mata.” Kasama sa kamangha-manghang animation ang maingat na mga detalye sa tradisyonal na damit na suot ng mga karakter.
Ayon sa tweet ni Bush . . . “The film’s cast and crew were ‘overjoyed’ that so many people are seeing themselves in this film.”