Enhanced Community Quarantine sa Tuguegarao palalawigin pa
Lumobo na sa 724 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City.
Apatnapu’t limang panibagong kaso ang naitala, 25 naman ang nakarekober habang apat ang nasawi dahil sa sakit.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga aktibong kaso, naglabas si Mayor Jefferson Soriano ng Executive Order No. 55 series of 2021 na magpapalawig sa ECQ sa lungsod. Dahil dito ay madaragdagan ng apat na araw ang pagsasailalim sa Tuguegarao sa ECQ, na matatapos sa Abril 12, 2021.
Kaugnay nito, inaasahan din ang mas istriktong pagpapatupad ng mga awtoridad sa ECQ Protocols tulad ng pag gamit ng COVID SHIELD CONTROL PASS, pagsusuot ng face mask at face shield sa pampublikong lugar, at iba.
Nanawagan ang Pamahalaang Panlungsod sa publiko na magtulungan upang maibaba ang kaso ng sakit para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Ulat ni Nhel Ramos