EO para sa Emergency use authorization ng FDA sa anti-Covid-10 vaccine, pinirmahan na ni Pangulong Duterte
Naglabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order o EO para sa Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration o FDA sa anti COVID 19 vaccine.
Inilabas ng Malakanyang ang EO no. 21 na nagbibigay karapatan sa Director General ng FDA na gamitin ang Emrgency Use Authorization para mapabilis ang pag-apruba sa anti COVID 19 vaccine na gagamitin sa Pilipinas.
Batay sa paliwanag ng Department of Health o DOH kung walang Emergency Use Authorization aabutin ng anim na buwan ang FDA para sa evaluation at documentation ng anti COVID 19 na gagamitin para makontrol ang Pandemya ng Coronavirus sa bansa.
Samantalang kung mayroong Emergency Use Authorization aabutin lamang ng 21 araw ang FDA para aprobahan ang anti COVID 19 vaccine dahil i-aadop na lamang ang findings ng FDA ng pinagmulang bansa ng bakuna.
Vic Somintac