Epekto ng Bottle-Feeding sa Oral Health
One to two years old, hindi na dapat umiinom sa bote ang bata, kundi sa baso na. Bakit? Dahil sa ngipin na gilingan. Kumakain na ang bata ng solid food kaya dapat gamitin ang ngipin na gilingan. Hindi nga ba’t ilang months bago pa nga lumabas ang ngipin ni baby ay tine-train na ni nanay si baby ng pagkain ng malalambot like mashed potatoes, preparatory na ito bago makumpleto ang ngipin. Sa mga nanay, hindi po tayo dapat tamarin na pakainin ang inyong anak, dahil pag tinamad tayo, ang resulta ay lifetime of disorder or dysfunction. Maraming magiging mali, kasi ang ngipin natin ay naka-design na gamitin. Magkakaron ito ng epekto sa pagtubo ng ngipin. Kailangang ma-stretch ang pagnguya ng bata, malaki ang maitutulong ng pagkain ng mansanas dahil lalaki ang pagnganga. Sa mga bata na nakakayang kagatin ang mansanas? Ibig sabihin na stretch ang bibig nila, na stretch ang muscles. Samantala, ano pa ang pwedeng epekto ng bottle-feeding? Tooth decay!
Habang natutulog si baby nakasalpak ang bote, sinisipsip ang tsupon, ang gatas ay didikit sa ngipin, ito ang nagiging dahilan ng acid attack at magkakaron ng enamel erosion. Maraming bata ngayon at an early age, ang ngipin ay kulay brown, yellow or black.
Dahil dito maagang mararanasan ng bata ang toothache dahil sa gatas. Lagi kong sinasabi, prevention is better than cure. Ang pinakamabigat pa kapag ang bata ay matagal na nagbottle feeding is malocclusion. Mali na ang pagtubo ng ngipin. Kaya apektado ang growth and development ni baby. Pag tubo ng ngipin, nakausli na. Kasi nga pag dumedede sa bote, nakaatras ang baba, habang sinisipsip ang gatas. Malocclusion dahil ang lower at upper teeth ay hindi na magtutugma. Kahit pa nga ang panga ng bata ay liliit din. Kapag mali ang bite o kagat ng bata, apektado rin ang kanyang paghinga. Liliit din ang lalamunan ng batang matagal na nagbottle feeding. Kawawa naman si baby! Sinong nanay naman ang may gustong maging ganito ang kanilang baby? Siyempre wala! Kaya dapat na maging aware na si mommy, lalo pa nga’t kapag binalewala, ang epekto kay nanay? Sasakit ang bulsa nya.