Epekto ng expired na pagkain sa kalusugan
Kayo ba ay nakaranas ng expired na pagkain? Halimbawa, gatas, yun bang hindi mo nakita o inalam yung expiry date? Tapos pag makita mong expired na ay magpapanic ka na. Iisipin mo na baka sumakit ang tiyan mo o mahilo ka kaya.
Pero, ano nga ba ang epekto sa katawan o sa kalusugan kapag expired ang nakain natin?
Isang duktor ang kinausap natin ukol dito, si Dr. Dex Macalintal, ang tinaguriang the Real Nutrition Doctor.
Ang sabi nya sa atin, kung hindi naman ganun kadami ang nakonsumo ay hindi naman makakaapekto. Pero kapag nakadalawang baso ng gatas na expired, dun may problema, baka mauwi sa food poisoning. Nariyang makakaranas ng diarrhea o acute gastroenteritis.
Ano ang sintomas? Nagtatae na matubig. Kailangang mailabas ang toxins na nakuha mula sa kinain. Kaya nga para maiwasan ang food poisoning, dapat na maging mapagmatyag, maging mapagbasa sa kung ano ang nakalagay sa label o sa ilalim, gilid ng pakete na binili natin.
Ano ba ang kahulugan ng sell/buy sa produkto? Inilalagay ito para maibenta agad ang produkto at safe kainin.
Best before naman, tinutukoy ang kalidad ng produkto at kung kelan dapat na nakonsumo.
Tandaan na kahit lumagpas sa due date ng kahit two days ay okay pa rin naman magkakaron lang ng slight na epekto sa lasa, bagaman mas mabuting bago ma expire ay talagang ma consume na.
Kung wala naman nakasulat sa label,
Ito ang “rule of thumb” sabi ni Doc Dex,
Pagdating sa shelf life g pagkain, sa poultry gaya ng itlog, chicken dapat na nakalagay sa ref kung hindi ay dapat na mailuto o gamitin agad. Sa meat o karne naman at beef, kung hindi nakalagay sa ref ay hindi dapat na patagalin pa.
Maganda din kapag iluluto ay tama ang temperature para makuha natin ang gusto natin lasa.
May tinatawag din temperature holding time.
Tumutukoy naman ito sa mga pinapadeliver/ pinapadala nating pagkain, binabaon, usually kapag may outing.
May oras na dapat makunsumo ang pagkain kung minsan kasi ito yun packages.
Gaya ng mainit pa natatakluban agad kung saan namamawis ang pagkain, nagkakaroon ng moisture at ito yun nag attract ng micro bacteria at ang mga microganism na ito ang sanhi ng pagkapanis ng pagkain.
Paalala niya use our senses, amuyin natin at tingnan ang itsura ng pagkain bago ikonsumo o kainin.