Epekto ng mass gatherings kaugnay sa pagsisimula ng campaign season, dapat obserbahan bago ibaba ang alert level– Guevarra
Naniniwala si IATF member at Justice Secretary Menardo Guevarra na kailangan pa ng dagdag na panahon bago ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila.
Ayon kay Guevarra, dapat munang obserbahan ang magiging epekto ng maraming pagtitipon ng mga tao kaugnay sa pagsisimula ng campaign season.
Aniya kung manatiling stable ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay maaaring ikonsidera ng IATF na ibaba ang alert level sa NCR sa Marso.
Sinabi ni Guevarra na nais din niya na maibaba sa Alert Level 1 ang NCR para magpatuloy ang momentum sa pagsigla muli ng ekonomiya.
Pero dapat aniya ring iwasan na magkaroon ng dahilan para ibalik sa pinakamataas na alert level ang rehiyon dahil ito ay magiging counter-productive.
Moira Encina