Epekto ng Ukraine-Russia war sa OFW remittances, maliit lang– BSP
Walang inaasahan na malaking epekto sa remittances ng OFWs sa Europa ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Paliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, limitado lang ang direct trade links ng Pilipinas sa Russia at Ukraine.
Noong Enero, iniulat ng BSP na umabot sa halos US $3 bilyon ang personnal remittances ng Pinoy sa ibang bansa o 2.5% na pagtaas mula sa kaparehong buwan noong 2021.
Maging ang cash remittances na ipinadala sa mga bangko noong Enero ay tumaas din ng
2.5 % sa US $2.66 billion.
Ang US ang may pinakamataas na share sa overall remittances na 41.2% na sinundan ng Singapore at Japan.
Samantala, inihayag ng BSP na mababa lang din ang nakikita nilang epekto ng kaguluhan sa Russia at Ukraine sa outlook sa Balance of Payment (BOP) ng bansa dahil sa maliit lang din value at share sa kalakakalan ng Pilipinas sa dalawang bansa.
Ang BOP ay tumutukoy sa summary ng mga economic transactions ng bansa sa ibang mga bansa sa partikular na panahon.
Noong 2021, nasa US $120 million o 0.2% ang kabuuang export of goods sa Russia habang US $5 million sa Ukraine.
Pagdating naman sa total import ng bansa mula sa Russia at Ukraine ay umabot lang sa 0.6% at 0.1% noong 2021.
Moira Encina