Epekto sa Pilipinas ng pagbabawas sa oil production ng KSA at OPEC, ibinabala ni Escudero

Nagbabala si Senador Francis Escudero sa posibleng epekto ng pagbabawas ng oil production ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Sinabi ni Escudero na malaki ang magiging epekto sa bansa ng planong pagbabawas sa produksyon ng langis ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Sa naunang anunsyo ng OPEC, magbabawas sila sa produksyon ng 1.16 milyong bariles ng langis simula sa Mayo.

Kung magkakaroon ng kakapusan ng suplay, sinabi ni Escudero na mangangahulugan ito ng pagtaas sa presyo ng langis gayundin sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Hinimok ni Escudero ang Deparment of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Energy (DOE), Department of Agriculture (DA), Department of Trade & Industry (DTI), at Department of Labor and Employment (DOLE) na magpulong at bumalangkas ng corrective plans para maibsan ang
epekto sa pagbabawas sa produksyon ng langis.

Sa nakalipas na buwan aniya, bumaba na sa US$70 ang presyo ng bawat bariles ng langis na pinakamababa sa nakalipas na 15 buwan.

Pero dahil sa gagawing pagbabawas sa oil production, maaari itong tumaas o maragdagan ng US$10 per barrel.


Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *