Eric Bledsoe, malilipat na sa Clippers
LOS ANGELES, United States (AFP) – Malilipat na sa Los Angeles Clippers ang point guard na si Eric Bledsoe mula sa Memphis, bilang resulta ng isang deal.
Ayon sa isang hindi pinangalanang source, sa naturang deal ay mawawala na sa Clippers ang veteran guards na sina Patrick Beverley at Rajon Rondo na malilipat naman sa Grizzlies, maging ang center na si Daniel Oturu.
Ang 31 anyos na si Bledsoe ay isang 11-year NBA veteran na may career average na 14.0 points, 4.7 assists, 3.9 rebounds at 1.4 steals per game.
Nagsimula ang NBA career ni Bledsoe sa Clippers, kung saan naglaro siya sa tatlong season bago nalipat sa Phoenix Suns noong July 2013.
Napunta siya sa Memphis sa unang bahagi ng buwang ito sa isang three-team deal na kinabibilangan ng Pelicans, Grizzlies at Charlotte Hornets.
Ang 33 anyos namang si Beverley ang longest-tenured player ng Clippers, na dumating sa Houston bilang bahagi ng isang blockbuster trade para kay Chris Paul noong 2017.
Nakuha naman ng Clippers si Rondo, na isang NBA champion ng Boston noong 2008 at ng Los Angeles Lakers noong 2020, sa trade deadline mula sa Atlanta Hawks noong nakaraang season.
Agence France-Presse