Eroplano nina Senador Ping Lacson, sinita ng Chinese navy sa WPS
Itinaboy rin ng Chinese coastguard ang grupo ni Senador Panfilo Lacson nang bumisita sila sa Pag-Asa island sa West Philippine Sea noong Sabado.
Sa radio communication ng mga piloto ng sinakyang eroplano ng Senador, narinig ang ginawang pagsita ng mga tauhan ng Chinese navy.
Ayon sa Chinese navy, papasok ang eroplano nina Lacson sa kanila umanong military alert zone at dapat na silang umalis sa lugar para maiwasan ang umanoy misjudgement.
“This is Chinese navy, you are approaching to our military alert zone please leave immediately to avoid misjudgement”.
Dalawang beses na narinig ang pagsita ng Chinese navy sa kinalululanang eroplano ng Senador.
Pero hindi nagpatinag ang mga piloto sa halip ay hinintay ang tawag ng mga awtoridad ng Pilipinas na nakabase sa Pag-Asa control tower.
Ayon kay Lacson, paulit-ulit ang ginawang pagbabanta ng Chinese navy habang papalapit sila sa airstrip hanggang makalapit ang eroplano sa Pag-Asa island.
Aminado ang Senador na maaaring mauwi ito sa misencounter pero nanindigang hindi sila maaaring palayasin sa teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas.
Bago ang insidente, binomba ng tubig ng Chinese coastguard ang dalawang supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea.
Statement: Sen. Ping Lacson:
“Being radio challenged by a Chinese coast guard vessel stationed more than 3-nautical miles off the coast of Pag-Asa, I never considered backing out. Aside from the possibility of being fired at being remote, this is my country, not theirs. They had no right. That was my mindset”.
Meanne Corvera