Eschiria Coli o E. Coli maaaring makuha sa mga palamig o halo halo na itinitinda sa lansangan ayon o DOH
Opisyal nang idineklara ng PAGASA weather forecasting center ang summer season kung kaya naman halos kabi kabila na ang nagtitinda ng sa malamig at halo halo.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Department of health o DOH na tiyaking malinis ang preparasyon ng bibilhing pamatid uhaw.
Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na ang mga yelo na ginagamit sa halo halo at sa anumang sa malamig ay dapat na tiyaking malinis dahil ito ay maaaring magtaglay ng Escherichia coli o E. Coli bacteria.
Ayon pa kay Ubial, ang E.Coli ay pangunahing sanhi ng sakit na dala ng pagkain o inumin.
Kapag dinapuan nito, makararanas ang biktima ng diarrhea o pagkasira ng tiyan at kung minsan ay kidney failure o panghihina ng bato.
Bukod dito, sinabi rin ng kalihim na hindi lang malinis na tubig at yelo ang kailangang matiyak, dapat maging ang mga naghahanda ng mga naturang refreshments na pampalamig ay malinis din o alam ang personal hygiene.
Paliwanag pa ni Ubial, kapag marumi ang mga kamay at hinawakan nito ang pagkain o inumin, madaling mailipat ang dumi, at ang taong makaiinom o makakakain nito ay malaki ang tsansang dapuan ng mga nabanggit na sakit.
Dagdag pa ni Ubial mainam din na gumamit ng gloves at mask ang mga nagtitinda lalo na at hahawakan ang mga pagkain o inuming ititinda.
Ulat ni: Anabelle Surara