“Eskwela Ban sa Sigarilyo”, palalawakin pa ng DepEd


Palalawakin pa ng Department of Education o Deped ang kanilang ‘Tobacco control policy’ sa mga paaralan.

Ayon sa Deped, simula sa susunod na school year ay makikibahagi na ang lahat ng mga paaralan sa bansa sa kanilang “Eskwela Ban sa Sigarilyo” campaign.

Sa ilalim ng kampanya, bawal nang manigarilyo o magbenta nito sa loob at labas ng paaralan sa loob ng 100 metro.

Pinagbabawalan din nito ang mga paaralan sa pagtanggap ng sponsorship mula sa mga Tobacco industry.

Sinabi ni Deped Legal affairs Undersecretary Alberto Muyot, ang naturang proyekto ay tatlong taong partnership sa tobacco-free kids action fund at una nang ipinatupad sa ilang piling paaralan sa Pasig, Makati, Batangas, Bulacan, Bataan at Pampanga.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *