Estado ng mga MSME sa panahon ng Pandemya, nais ipabusisi sa Senado
Hiniling ni Senador Grace Poe na busisiin ng Senado ang kinahinatnan ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) dahil sa mga ipinaiiral na community quarantine dulot ng covif 19 Cpvid-19 Pandemic.
Sa kaniyang inihaing Senate Resolution 817, sinabi ng Senadora na bukod sa mga nagsara, marami pang mga maliliit na negosyo ang naghihingalo na kahit pa may ayudang puhunan mula sa gobyerno.
Katunayan, mismong ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nagsabing ngayong 2021 lang mahigit 10 percent pa ng mga MSME ang nagsara dahil nalugi.
Noong nakaraang linggo, nauna nang umangal ang asosasyon ng mga restaurant sa biglaang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine.
Sabi ng Senador, bagamat naiintindihan ng mga negosyante na kailangang magpatupad ng quarantine restrictions ang gobyerno pero sana ay naabisuhan sila ng maaga lalo na ang mga nasa food establishment para hindi nasayang ang kanilang mga paghahanda lalo na ang kanilang mga produkto.
Umaasa itong makahahanap ng longterm solution ang Kongreso para hindi tuluyang bumagsak ang nasa MSME dahil libu-libong manggagawa rin ang tuluyang mawawalan ng trabaho.
Statement Senador Poe:
“MSMEs should be part of the equation when we plan the implementation of lockdowns. If we keep leaving them out, it will be harder for our economy to bounce back with not many businesses left after the pandemic,” “There are also compounding effects that we cannot ignore, especially when, on top of these losses, more workers in the food service industry are losing their jobs”.
Meanne Corvera