Estado ng paglaban ng bansa sa COVID- 19 nais ipabusisi sa Senado
Inirekomenda ni Senador Nancy Binay na muling magconvene ang Senado bilang Committee of the Whole sa mga susunod na araw para talakayin ang mga isyung may kinalaman sa paglaban sa COVID- 19.
Nais malaman ng Senador ang estado ng vaccination program access ng publiko sa booster shot, maging ang estado ng mga healthcare workkers at kanilang mga benepisyo at paghahanda ng gobyerno sakaling muling lumobo ang kaso.
Kailangan aniyang rebyuhin ang mga Public Health policies para matiyak na nakaayon pa rin ang Pilipinas sa mga itinatakda ng International health standards.
Sa datos ng tanggapan ni Binay, aabot pa lang sa 15.34 million ng mga Pilipino ang nabigyan ng access para sa booster shot sa may 40 milyong populasyon o kwalipikadong mabigyan ng bakuna.
Nababahala ang Senador sa mga nauna nang babala ng Department of Health na posibleng umabot ng labing -isang libo katao ang mahawa ng virus ngayong huling linggo ng Hulyo at posibleng tumaas muli ang mga nagpapaospital.
Sinabi ni Binay dapat ngayon maging agresibo sa pangangampanya ang DOH lalo’t karamihan sa mga pinoy ayaw nang magpaturok ng booster shot at naging kampante na sa pagbaba ng kaso ng nagpopositibo sa virus sa mga nakalipas na buwan.
Meanne Corvera