Estado ng Sinaloa sa Mexico, nag-ulat ng 14 na pagpatay sa loob lang ng isang araw sa gitna ng serye ng mga karahasan
Iniulat ng mga awtoridad sa estado ng Sinaloa sa Mexico, na hindi bababa sa 14 katao ang napatay isang araw pagkatapos ng serye ng karahasang sumiklab matapos na maaresto sa Estados Unidos ang drug trafficker na si Ismael “El Mayo” Zambada.
Ayon sa attorney general’s office, karamihan sa insidente ng mga pagpatay ay nangyari sa Culiacan, kapitolyo ng Sinaloa state.
Sa isang pahayag ay sinabi ng prosecutor’s office, na sampung imbestigasyon ang binuksan nito kaugnay ng “homicide” sa 14 katao.
Authorities work in a crime scene where municipal police officers were shot dead by gunmen during a wave of violence in the state of Sinaloa, according to local media, in Navolato, Mexico October 25, 2024. REUTERS/Jesus Bustamante
Nitong nakalipas na mga buwan, ang labanan sa Culiacan sa pagitan ng mga grupong kriminal na nag-aaway-away upang kontrolin ang teritoryo, ay gumambala na sa pang-araw-araw na buhay at pumuwersa sa mga negosyo at mga paaralan na magsara.
Sumiklab ang karahasan sa estadong nasa baybayin ng Pasipiko, nang maaresto noong Hulyo ang Sinaloa cartel leader na si Zambada, matapos siyang isakay sa isang airstrip sa Texas at agad na ikinustodiya ng US officials.
Authorities work in a crime scene where municipal police officers were shot dead by gunmen during a wave of violence in the state of Sinaloa, according to local media, in Navolato, Mexico, October 25, 2024. REUTERS/Jesus Bustamante
Nagdeploy ng daan-daang military personnel ang bagong pangulo ng Mexico na si Claudia Sheinbaum, kasama ng armoured trucks at high-powered weapons sa Sinaloa upang subukang pigilan ang karahasan, ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan.
Noong Sabado ay iniulat ng mga awtoridad, na natagpuan sa ilang bahagi ng Sinaloa ang mga cooler na may lamang mga bangkay, gaya ng ulo ng tao na nagtataglay ng mga emblem na tumutukoy sa magkakalabang gangs.
Noong Martes, 19 na hinihinalang gang members ang namatay sa nangyaring shootout sa paligid ng Culiacan, habang nahuli naman ang isang local cartel leader.
Hindi bababa sa 172 katao ang napatay at mahigit 200 iba pa ang napaulat na nawawala sa pagitan ng September 9, nang sabihin ng mga awtoridad na nagsimula na ang serye ng mga karahasan, hanggang Oct. 18.