Estudyanteng NPA, sumuko sa pamahalaan
Isang estudyante na miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang sumuko sa mga awtoridad sa San Andres, Quezon.
Sa ulat ng San Andres police, ang kabataaang rebelde AY si alyas ka Dodong 19 anyos , sumuko sa mga tauhan ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company at sa mga tauhan ng 85th IB ng Philippine Army sa himpilan ng San Andres Municipal police.
Isinuko din nito ang kanyang baril na isang .38 caliber revolver.
Ayon sa estudyante , na-recruit siya ng isang NPA member na si alyas ka Bingot noong Feb 16, 2016 at natalaga sa Militiang Bayan sa Bondoc Peninsula.
Kalaunan ay naging recruiter ito ng mga kabataan para maging miyembro ng NPA sa mga bayan ng San Narcisco, San Andres, San Francisco, at Mulanay.
mAHirap umano ng buhay sa kabundukan at ang kagustuhan niyang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at mabuhay ng normal kaya napagpasyahan niyang sumuko sa pamahalaan.
Allan Llaneta