EU at UN inimbitahan ng Venezuela na obserbahan ang kanilang presidential election
Inimbitahan ng Venezuela ang European Union (EU) at isang panel ng mga eksperto mula sa United Nations (UN), upang obserbahan ang presidential elections sa July 28 kung saan inaasahang muling tatakbo si President Nicolas Maduro.
Maraming bansa ang tumangging kilalanin ang resulta ng nakaraang eleksiyon ni Maduro noong 2018, banggit ang mga dayaan at kakulangan ng transparency, at sa halip ang kinilala ay ang karibal nito sa halalan na si Juan Guaido bilang interim president.
Apat na taon pagkatapos, ang 61-anyos na si Maduro pa rin ang namamahala sa bansang mayaman sa langis, makaraang mabuwag ang karibal niyang gobyerno at ang giyera sa Ukraine ay sumakal sa energy supplies na nagpabago sa global priorities.
Sa linggong ito ay itinakda ng Venezuela ang isang napakatagal nang hinihintay na election date, na nangyari makaraang magkasundo sa Barbados ang gobyerno ni Maduro at oposisyon noong isang taon na magsagawa ng isang “free and fair vote” na sasaksihan ng international observers.
Sinabi ng pangulo ng National Electoral Council (CNE) na si Elvis Amoroso, “The body had sent invitations to the European bloc and United Nations, the US-based Carter Center NGO, BRICS and the African Union, among others.”
Aniya, “We have extended an invitation for them to participate as electoral observers, as long as they comply with the requirements and established constitutional and legal regulations.”
Ang EU ay nagpadala ng isang mission upang obserbahan ang 2021 gubernatorial at mayoral elections, ang una sa loob ng 15 taon, na agad ding nahinto makaraang tawagin ni Maduro na “mga kaaway” at “mga espiya” ang delegasyon, matapos sabihin ng mga ito na ang proseso ay puno ng iregularidad.
Sinabi ng EU observer mission, na sa kabila ng tinatawag nitong mas mahusay na mga kondisyon kaysa sa mga nakaraang halalan, nabanggit nito ang “kakulangan ng pagsunod sa panuntunan ng batas” at itinampok ang paggamit ng public resources sa kampanya at ang “arbitrary” disqualification ng mga kandidato.
Ang kasunduan sa Barbados, na pinamagitanan ng Norway, ay naging daan upang luwagan ng Estados Unidos ang sanctions sa Venezuela, na nagpahintulot sa US-based Chevron na ipagpatuloy ang limitadong pagkuha ng krudo at humantong sa isang palitan ng mga bilanggo.
Inaatasan ng kasunduan na ang opposition candidates ay payagang i-apela ang court rulings na nagdi-diskuwalipika sa kanila na humawak ng tungkulin sa gobyerno.
Gayunman, simula noon, itinaguyod ng Korte Suprema na tapat kay Maduro, ang isang 15-taong ban sa primary winner ng oposisyon na si Maria Corina Machado, na nagpatuloy pa rin naman sa pangangampanya.
Noong Enero ay ipinasya ng korte na si Machado ay ‘sangkot’ sa “corruption plot” na isinagawa ng dating oposisyon na si Guaido, na ngayon ay naka-exile.
Ang “plot” anila ay responsable para sa “criminal” sanctions laban sa Venezuela.
Kinumpirma rin ng mga hukom ang hindi pagiging kwalipikado ng isang posibleng stand-in ng oposisyon, ang dalawang beses nang kumandidato sa pagkapangulo na si Henrique Capriles.
Makaraan ang pasya, inihayag ng Estados Unidos na muli nilang ipapataw ang ilang sanctions.
Simula noon, sinabi ng senior government official na si Diosdado Cabello, na ang mga halalan ay gaganapin nang “walang presensya” ng Estados Unidos o ng Organization of American States.
Noong Enero ay sinabi ni Maduro, “The Barbados agreement was ‘mortally wounded,’ after government authorities claimed to have foiled numerous US-backed plots to assassinate me.”
Ang dating bus driver at union leader ay pinili mismo ni Hugo Chavez, na pinalitan ni Maduro nang mamatay ito sa cancer noong 2013.
Nakipaglaban si Maduro sa lumalalang ekonomiya, na minarkahan ng inflation at mga kakulangan habang bumagsak naman ang oil boom ng bansa, at maraming krisis sa politika.
Ang malubhang sitwasyon sa bansa ang nagtulak sa mahigit pitong milyong Venezuelans na lisanin ang bansa na karamihan ay nagtungo sa mga katabing bansa, ngunit dumarami ang sumusuong sa mapanganib na daan patungo sa Estados Unidos.
Hindi binanggit ni Maduro kung muli siyang tatakbo para sa panibagong anim na taong termino, ngunit inaasahan na ng marami na muli siyang kakandidato.
Sinabi ng ruling party official na si Cabello, “I had no doubt, Maduro would be the chosen candidate.”
Aniya, “The ‘rank and file’ of the ruling PSUV party will choose a candidate in countrywide meetings in ‘an act of democracy’ this week.”
Ang kandidato ay ihahayag sa March 15.