EUA sa COVID-19 vaccine ng Pfizer, status quo pa rin – DOH
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa ring mababago sa ibinigay na Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration(FDA) sa COVID-19 vaccine ng Pfizer BioNTech.
Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa kabila ng ulat na may 23 nasawing Senior Citizens sa Norway matapos matuturukan ng bakuna ng Pfizer.
Paliwanag ni Vergeire, pinag-aaralan pang mabuti ng Norwegian authorities ang pangyayari.
Batay sa ulat, sa Norway aniya ay may pagkakataon na may 400 Senior Citizen ang namatay.
Sa ngayon pinag-aaralan pa rin aniyang mabuti ng FDA ang sitwasyon.
Pero hangga’t wala pang sapat na ebidensya na may kinalaman ang bakuna sa pagkamatay ng mga nasabing Senior Citizen ay status quo pa rin sa EUA ng Pfizer.
Madz Moratillo