Eumir Marcial, mag-uuwi ng bronze medal mula sa Tokyo Olympics

Nauwi sa umaatikabong suntukan ang laban sa pagitan ng Pinoy boxer na si Eumir Marcial at ng Ukrainian boxer na si Oleksandr Khyzhniak sa Men’s Middleweight (69-75kg) Semifinals sa Tokyo Olympics.

Sa simula pa lamang ng 1st round, panay na ang atake ng Ukranian kay Marcial subalit tinatamaan rin siya ng solidong suntok ng Pinoy boxer.


Mistulang walang pagod na sumusugod ang Ukranian kung kayat nakipagsabayan na rin si Marcial sa mga palitan nila ng suntok hanggang sa ikalawang round.


Sa ikatlong round ay kapwa sugatan na ang dalawa subalit tuloy pa rin ang umaatikabong bakbakan.


Sa huling bahagi ng laban ay lalo pang tumindi ang palitan ng dalawa ng mga suntok, na pareho namang nakakatama sa isat-isa.

Nang tumunog na ang bell bilang hudyat ng pagtatapos ng laban ay saka lamang tumigil ang aksyon sa boxing ring,

Sa huli ay idineklara ng mga judges ang Ukranian boxer na siyang nagwagi sa pamamagitan ng split decision.

Dahil dito, bronze medal ang maiuuwi ni Marcial mula sa Tokyo Olympics na igagawad sa kanya pagkatapos ng Finals ng Men’s Middleweight (69-75kg) Division.

Si Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine matapos madinig ang split decision win niya laban kay Eumir Marcial

Please follow and like us: