Event Designing: Patok sa paningin
Panahon ng mga kaliwa’t kanang gathering dahil sa holiday season.
Isa na rin ba kayo sa mga excited na dumalo sa mga pagtitipon?
O tayo ang nakatoka at magiging punong abala para mag-isip at gumawa ng design sa inyong family reunion o company gathering?
Narito ang mga simpleng paraan na puwedeng pumatok sa atin…
Ayon kay Angelo Maran, event designer at gift shop owner, mahalaga munang alamin kung ano ang konsepto o idea ang nais ng customer o kliyente, kadalasan mayroon ng nasa isip ang customer.
Magsuggest na lang kung wala pa o para mas gumanda, para maiwasan na magreresulta sa pagiging madilim o hindi akma ang disenyo.
Kasama ring binibigyan ng kunsiderasyon ang dadalong mga bisita kung pambata o corporate affairs.
Kapag mga bata ang dadalo, kailangan ng makukulay na disenyo.
Kung corporate events naman, pormal, gumagamit ng dark colors.
Tiyakin din ang kulay na gagamitin kung angkop sa lugar at okasyon ng pagdarausan.
Huwag matakot magbigay ng suhestiyon sa customer.
Naibahagi din ni Angelo na may kakaiba din siyang natanggap na idea ng design, sa una mas naramdaman niya ang kaba pero kinalaunan mas nangibabaw ang excitement.
Pagkatapos nito may maganda ang pakiramdam lalo na at para ng ikaw lang ang nakagagawa.
Dagdag niya sa mga nagnanais sumubok ng event designing, malaking tulong ang internet para mapag-aralan ito, mura rin ang halaga ng tools na gagamitin kumpara sa mga nagdaang panahon na kailangang mag improvise.
Sa kulay laging tandaan kailangan mas maraming light colors ang gamitin
kaysa sa dark colors, para maging maganda ito sa mata o paningin.