Ex-Customs Commissioner Nicanor Faeldon magsasampa ng reklamo laban kina Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes sa Senate Ethics Committee
Maghahain na ng kaso si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban kina Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes sa Senate Ethics Committee.
Ayon sa abogado ni Faeldon na si Atty. Jose Dino, humingi na ng pahintulot si Faeldon sa senate Sgt at Arms para makalabas ng detention at mai-file ang kaniyang reklamo.
Unang isasampa ni Faeldon ang reklamo laban kay Lacson sa Lunes habang sa susunod na linggo ang kaso laban kay Trillanes.
Si Faeldon ay kasalukuyang naka detain sa OSAA dahil sa pagtangging sumagot sa imbetigasyon ng Senado sa 6.4 billion shabu smuggling sa Customs.
Nauna nang inakusahan ni Lacson si Faeldon na umano’y tumanggap ng 100 milyong pisong welcome gift sa Customs habang inakusahan din ito ni Trillanes na umano’y nasa likod ng smuggling.
Pero sabi ni Lacson, magsasayang lang ng panahon si Faeldon.
Nakasaad sa Article 6, section 11 ng saligang batas na walang karapatan ang sinuman na kwestyunin ang privelege speech ng Senador o Kongresista habang in session ang Kongreso.
Ulat ni: Mean Corvera