Ex-MMDA Chair Abalos, nagbabala kaugnay sa kaniyang na-hack na phone number
Isang araw bago ang pambansang eleksyon, nagbabala si dating MMDA Chairman Benhur Abalos sa publiko na huwag pansinin ang mga mensaheng matatanggap mula sa kaniyang na-hack na cellphone number.
Sa kaniyang facebook post, sinabi ni Abalos na simula kahapon ng umaga, nagpapadala ng samu’t saring text ang kaniyang numero.
Aniya, inireklamo na niya ito sa tanggapan ng Globe telecom at sa National Telecommunications Commission o NTC at agad na ipinasuspinde.
Batay sa pagsusuri ng Globe telecom, hindi umano nanggagaling sa cellphone number ni Abalos ang mga unscrupulous messages.
Sinabi pa ng Globe security operations teram.
Posibleng nabiktima si Abalos ng illegal broadcaster devices na ipinagbabawal ng NTC sa ilalim ng Radio Control Law.
Patuloy naman iniimbestigahan ng NTC at Globe telecom ang nasabing insidente.