Ex-MMDA Chairman Francis Tolentino, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Presidential Adviser on Political Affairs
Ini-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino bilang Presidential Adviser on Political Affairs.
Ang nasabing posisyon ay hinahawakan ni dating Sec. Ronald Llamas noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Si Tolentino, ay tumakbo sa pagka Senador noong nakaraang 2016 elections pero natalo matapos pumuwesto sa ika-13.
Una itong tumakbo sa ilalim ng Liberal Party pero inilaglag ng administration party matapos ang umano’y pagdadala ng sexy dancers sa political campaign ng partido sa Laguna.
Please follow and like us: