Ex -PRRD hindi nakadalo sa Quadcomm hearing ngayong araw dahil masama ang pakiramdam
Humingi ng paumanhin sa Quad Committee ng Kamara si dating pangulong Rodrigo Duterte sa hindi pagsipot sa pagdinig ng komite ngayong araw.
Sa liham na ipinadala ng kampo ni dating pangulong Duterte sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty. Martin Delgra na naka-address kay Congressman Robert Ace Barbers Overall Chairman ng House Quadcomm hindi nakadalo ang dating Pangulo sa hearing ng Kamara dahil hindi maganda ang kaniyang pakiramdam
Kababalik lamang din aniya ng dating Pangulo sa Davao mula sa Manila noong matanggap ang imbitasyon at kailangan niya ang magpahinga muna.
Tiniyak naman ni Atty. Delgra na sa susunod na pagdinig ng komite ay sisikapin ng dating Pangulo na makadalo.
Ang QuadComm ay nasa ika-siyam ng pagdinig sa mga isyu na may kaugnayan sa Extra Judicial Killings sa War on Drugs ng Duterte Administration, Human rights violation at Philippine Offshore Gaming Operations o POGO.
Vic Somintac