Excise tax sa mga produktong petrolyo, ipatitigil muna sa gobyerno
Ipapatigil na ni Senador Bam Aquino ang paniningil ng idinagdag na Excise taxes lalo na sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Aquino, malaki ang naiaambag ng mataas na halaga ng petrolyo sa mataas na halaga ng mga bilihin at mahal na serbisyo.
Dagdag pa ng Senador, nais din niyang maging kongkreto muna ang naipangakong ayuda ng gobyerno para maibsan ang epekto ng Tax reform package.
Nagsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Economic affairs ukol sa epekto ng TRAIN law sa presyo ng mga bilihin at dito iginiit ng mga Economic managers ng gobyerno na malit lang ang epekto nito sa inflation rate ng bansa, ngunit aminado sila na nagtaasan ang presyo ng mga bilihin.
=============
para naman kay senador win gatchalian , sinabi nito na kailangan pa ng konting panahon para lubos na malaman ang totoong epekto ng train law sa mga filipino.
ngunit aminado si gatchalian na kung hindi sumabay ang mga economic manager sa pagtataya sa magiging epekto ng tax reform package , ay maaaring iba ang naging posisyon ng mga senador.