Executive order na magtatakda ng price control sa RT PCR test , nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order o EO na magtatakda ng price cap para sa RT PCR testing at test kits.
Sa ilalim ng EO 118 inaatasan ang Department of Health o DOH na tiyakin ang accesibility at affordability ng RT PCR testing sa buong bansa.
Inaatasan rin ang Department of Trade and Industry o DTI na makipagtulungan sa DOH upang magpatupad ng price range para sa COVID-19 testing at test kits na ginagamit ng mga ospital, laboratoryo at iba pang health facilities.
Ayon sa EO kailangang tiyakin ng DOH at DTI na patas sa lahat ng stakeholders ang ipatutupad na price range.
Inatasan rin ang DOH na maglabas ng mga kaukulang abiso na magpapabatid sa mga health facilities na mayroon nang accreditation para mag-operate ng COVID-19 diagnostic lab kaugnay sa mabubuong price range.
Ang hindi susunod sa ipatutupad na price range ay babawian ng lisensya o accreditation.
Vic Somintac