EO na nagtatakda ng posisyon ng gobyerno sa paggamit ng Nuclear energy at pagbuhay sa Bataan nuclear power plant , nilagdaan ni Pangulong Duterte
Naglabas ng Executive Order o EO si Pangulong Rodrigo Duterte para sa paggamit ng Pilipinas ng nuclear energy.
Batay sa EO 164 ikinunsidera ng pamahalaan ang paggamit ng nuclear energy para sa aspetong may kinalaman sa ekonomiya dahil narin sa patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo sa world market.
Nakapaloob din sa kautusan ng Pangulo ang pagsasagawa ng pag- aaral at assessment gayundin ang auditing at rekomendasyon sa posibilidad na buksan ang Bataan Nuclear Power Plant.
Inihayag ng Malakanyang na lumabas sa public perception survey noong 2019 na nasa 79 percent ng mga Pilipino ang sang- ayon sa paggamit ng bansa ng nuclear energy at 65% ang sang- ayon na magtayo pa ng bagong nuclear power plant.
Vic Somintac