Executive Order ni PBBM na gawing exempted ang mga delivery trucks sa anumang pass-through fees ikinatuwa ng mga nasa Agri-Business Industry
Itinuturing ng mga nasa Agri-Business Industry na malaking tulong ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na gawing exempted sa pass-through fees o pagbabayad ng anumang bayarin na sinisingil ng mga Local Government Units o LGUs sa mga delivery trucks na nagdadala ng anumang kalakal lalo na ang may kinalaman sa pagkain upang mapababa ang presyo at makontrol ang food inflation sa bansa.
Sinabi ni ginoong Orly Manuntag tagapagsalita ng Grain Retailers Confideration of the Philippines o GRECON na makakabawas sa gastos ng mga negosyante sa logistics ang Executive Order 41 ni Pangulong Marcos Jr. na nag-aatas sa lahat ng mga LGUs na dinadaanan ng mga delivery goods na huwag singilin ng anumang bayarin tulad ng sticker fees, discharging fees, market fees, delivery fees, toll fees at mayors permit.
Nangako naman ang mga nasa Agri-Industry na babawasan ang presyo ng kanilang iniluluwas na kalakal dahil sa malaking tipid sa gastusin sa logistics and delivery.
Batay sa EO 41 inaatasan ng Pangulo and Department of Interior and Local Government o DILG na kumalap ng mga kopya ng mga ordinansa ng mga LGUs kaugnay ng koleksyon ng pass-through fees para mamonitor kung sino-sino ang hindi susunod sa kautusan ng Malakanyang.
Vic Somintac