EO para sa price ceiling ng karneng baboy at manok, nilagdaan na ni PRRD
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) para sa 60 araw na price ceiling sa presyo ng kada kilo ng karneng manok at baboy.
Pero nilinaw ni Senador Christopher Bong Go na epektibo lang ang price ceiling sa Metro Manila batay sa EO 124.
Statement Senador Bong Go:
“Kinokomendahan ko po ang pag-issue ng Pangulo ng EO na ito upang itigil ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain. Kailangan natin itong solusyonan lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami pong mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho”.
Sinabi ni Go na ginawa ito ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) para tulungan ang mamamayan lalo ngayong marami ang nawalan ng trabaho.
Ayon sa Malacañang, sa naturang kautusan ay hindi dapat lumagpas sa P270 – P300 ang kada kilo ng baboy tulad ng pigue at liempo.
Meanne Corvera