Expectation vs. Reality sa pagnenegosyo

Bahagi na nang pagdedesisiyon sa buhay ay yaong may inaasahan tayong resulta. Katulad nang napapanood natin sa social media na tinatawag na Expectation vs. Reality. Ito po ang pag-uusapan natin.

Sa panayam ng programang Shoppers’ Talk kay Caloy Sycip, isang negosyante, may restaurant at printing business. Nakapagtapos ng Business Management, habang si misis ay may clothing business.

Naibahagi niyang may advantage ang kanyang background, dahil nakamulatan ang pagnegegosyo sa kanyang mga magulang, at malaking tulong ang dagdag nilang suporta at pagpapayo .

Naalala ni Caloy na sinabihan siya ng kaniyang mga magulang na subukin munang magtrabaho sa ibang kumpanya upang makaranas at matuto, o magka -experience. Subalit bago pa niya ito gawin ay may dumating na oportunidad sa kaniya para magsimula ng negosyo.

Naikuwento niya sa pagsisimula ng kaniyang negosyo may mga aral siyang natutuhan, sabi nga niya expectation versus reality, tulad na lamang na kapag may negosyo ka inaakala mong makakabawi ka agad sa puhunan ngunit ito ay hindi totoo, kinakailangan ng sapat na
panahon para mabawi ito.

Maging sa sinasabing kapag may negosyo ka hawak mo oras mo. Ang totoo higit pa sa oras ang dapat ilaan dito hindi tipikal na 8 oras kada araw. Mahalaga rin aniya sa pagnenegosyo laging isaisip na ang mga empleyado ay mahalagang bahagi nito. Huwag tingnan na sila ay parang
utusan lang. Bigyan ng pagkakataon na matuto pa at idevelop ang kakayahan.

Samantala, idinagdag niya na sa pagtatayo ng negosyo kung may kinalaman sa pagkain ang ating ititinda, isaisip din ang ibang konsumer na may health concern. Katulad ng sitwasyon niya, ang kanyang mga magulang ay diabetic.

Expose sa matatamis na pagkain kaya nakaisip ng substitute para sa sweets. Importante na magsagawa muna ng research at testing ng produktong ibebenta.

-30-

Mr. Caloy Sycip with his wife Shane both in the middle.
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *