Expiration ng mga bakunang available sa bansa hindi dapat na pangambahan ng mga Pinoy – Health expert
Mainit pa rin hanggang sa kasalukuyan ang isyu tungkol sa pagpapabakuna.
Isa sa pinag-uusapan ng publiko ay ang bakuna na ma- e expire na sa Hulyo, na ito ay nagiging sanhi ng pag- aalala ng marami nating mga kababayan.
Kaugnay nito, binigyang diin ni DOST USEC Rowena Cristina Guevara na walang dapat na ipangamba ang publiko tungkol sa expiration ng bakunang available sa Pilipinas.
Sinabi din ni Guevara na bilang lead agency ang DOST on vaccination program, ngayon pa lang ay may mga hakbangin na silang isinasagawa para sa taong 2022.
Belle Surara
Please follow and like us: