Extension ng Travel ban sa mga bansang may kaso ng Covid-19 new variant, pinag-aaralan ng Malakanyang
Isinasailalim sa ebalwasyon ng Inter Agency Task Force o IATF kung kinakailangan na palawigin pa ang ipinatutupad na travel ban sa mga bansang may naitalang kaso ng new variant ng COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na batay sa ulat ng Department of Health o DOH tatlong bagong variant ng COVD 19 ang binabantayan kung nakapasok na sa bansa.
Ayon kay Roque tinukoy ng DOH ang COVID 19 new variant na unang nakita sa United Kingdom sumunod ang South African variant at ang ikatlo ay ang nakitang variant sa Malaysia.
Inihayag ni Roque kasalukuyang sinusuri ng Philippine Genome Center ang sample ng mga nagpositibong balikbayan mula sa mga bansang nakapagtala ng new variant ng COVID 19.
Sa ngayon ay nakataas ang travel ban ng Pilipinas sa 28 bansa na kinakitaan ng new variant ng COVID 19 hanggang January 15.
Vic Somintac