Eye care tips ngayong pandemya, inirekomenda ng eksperto
Halos lahat ay naka work from home dahil sa pandemya.
Ayon sa eksperto, bukod sa pagpapalakas ng immune system upang maiwasan ang covid-19, mahalaga din na isama sa ginagawang pangangalaga sa katawan ang ating mga mata.
inihayag ng mga espesyalista sa mga mata o ophthalmologist , kahit na nagkaka edad na, kailangang mapanatili pa rin ang malinaw na paningin at maingatan ang mga mata.
Kaya naman may ilang routine na maaaring gawin bilang ehersisyo sa mga mata na ipinapayo ng eksperto.
Una ay ang tinatawag na eye socket massage, ang banayad na masahe sa mga mata ay may malaking maitutulong upang ito ay marelax
Gamit ang hinlalaking daliri , i-massage ang ilalim na bahagi ng kilay mula sa itaas na bahagi ng ilong patungo sa dulo ng eyelid, gawin ang paikot na direksyon.
gawin rin ang Four direction exercise, umupo ng maayos, hawakan ang ulo ng tuwid, tumingin sa malayo, sa loob ng dalawa o tatlong Segundo pagkatapos ay tumingin sa apat na direksyon,taas, baba, kanan at kaliwa.
Gawin ito ng tatlong ulit at tiyaking ang mga mata lamang ang gumagalaw at hindi kasama ang ulo.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa maiinam na exercise sa mga mata ngayong panahong ito na halos lahat ay nakatutok sa gadget tulad ng cellphone, laptop at computer.
Dagdag pa ng ekspeto, mainam kung sasamahan ng wastong nutrisyon at kung kailangang kumunsulta sa doktor, may telemedicine naman upang ito ay magawa lalo na at marami ang natatakot na lumabas ng bahay ngayong pandemya.
Belle Surara